Sunday, December 8, 2019

Kababalaghan sa Naujan



Isang misteryosong image ang makikita sa isang ilog sa Naujan, Oriental Mindoro. Ito ay hugis tao na may 72 talampakan ang taas.

Ang nasabing nilalang ay mistulang palutanglutang sa ilog malapit sa bungad palabas ng dagat. Ano kaya ito? Alien? kapre? higante? atbpa.. Ang imahe ay parang may apat na kamay.

Nasulyapan ang nasabing imahe sa Google Earth sa dako ng lagusan ng Butas River sa Melgar ng Naujan, Oriental Mindoro. Makikita sa Google Map sa link sa ibaba.


Kung ito man ay tao, maaring nakuha ng satellite camera ang isang high altitude skydiver.

Kung ano man ang nasabing imahe, ito ay nangangailangan ng pag aanalisa ng mga dalubhasa.